Bogo Bilis Kilos ISKOncert Rally Dinumog Kahit Walang Ads

Sa tulong ng Visayas for Isko-Sara Alliance (VISA), sa impluwensya ng Cebuano local artist na si Range999, at sa presensya ni Joaquin Domagoso, dinumog at naging matagumpay ang ginanap na Bilis Kilos ISKOncert Rally sa Bogo City, Cebu kagabi, Abril 16, 2022. Ito ay sa kabila na hindi nagpakalat at gumasto sa ads ang grupo.

Ang Bogo Bilis Kilos ISKOncert Rally sa Bogo City, Cebu ay naganap matapos ang magkakasunod na matagumpay na concert sa Lapu-Lapu City at Toledo City. Ang mga konsiyertong ito ay para sa kandidatura sa pagkamangulo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso. Ang grupong VISA ang muling nag-organisa ng concert nato sa norteng bahagi ng Cebu na sakop ng ika-apat na distrito ng probinsya.

Preparasyon Para sa Bogo Bilis Kilos ISKOncert Rally

Tatlong araw na nagpabalik-balik sa Bogo City si Sir Eliseo Abella, isa sa convenor ng VISA, mula Cebu City upang ayusin ang mga papeles ng magaganap na Bogo Bilis Kilos ISKOncert Rally. Sa kabutihang-palad, naging maayos naman ang lahat dahil bukas-loob din naman na nakipagtulungan ang mga awtoridad sa naturang syudad. Matunog din kasi sa lugar ang pangalan ni Yorme Isko at ang kanyang two-joints sign.

Sa aming paghahanap ng matutulugan ng mga crew at performer, mukhang sinadya na rin ng Poong Maykapal na matagpuan namin ang matagal nang kakilala at kaibigan ni Yorme Isko Moreno. Naka-book kami ng mga kwarto sa Hisoler Beach Resort na pag-aari ng pamilyang Hisoler-Romoff.

Mukhang tinadhana na maitungo kami sa pamilyang solid din ang suporta kay Domagoso kaya mas nabawasan ang problema sa accommodation ang grupo ng VISA. Nakatulong din ang impluwensya ng pamilya sa lugar para mas maipaalam sa mga taga Bogo ang tungkol sa concert, lalo na sa lokal na pamunuan ng syudad. Tumutulong din ang Hisoler-Romoff sa grupo ng Alagang Isko, hindi lang sa Bogo kundi sa buong Cebu rin.

Hindi Bumili ng News, TV, o Radio Ads Para sa ISKOncert Rally

Hindi bumili ng advertisement ang VISA, sa radyo man o sa telebisyon, upang ipaalam ang ISKOncert Rally sa lugar. Wala ring mga poster o tarpualin na ikinalat sa lugar upang ipabatid ang mga pangyayari. Malaki ang tiwala ng grupo sa impluwensya ng local artist na si Range999 para ikalat ang impormasyon tungkol sa concert at ganon na rin sa kanya-kanyang Facebook account at page ng mga kasamahan natin sa VISA.

Sa tulong ng mahigit 600K na follower ni Range at bawat account na nag-share sa impormasyon tungkol sa concert, umabot sa 12K ang crowd sa Bilis Kilos ISKOncert Rally na ginanap sa Don Celestino Martinez Sr. Sports & Cultural Center. Naging open din si Range sa pag-endorso kay Domagoso sa kanyang platform.

Cebuano Local Artists at Joaquin Domagoso sa ISKOncert Rally

Sina DJ Shanyl at Ram Monsanto pa rin ang naging host sa event. Maliban kay Range, nakasama pa rin natin sina J-Blaque, Freshe, Emping, Super Renan, DJ Jhess, at iba pa. Si Direct Gilbert Gamolo pa rin ang naging gabay mula sa rehearsal hanggang sa matagumpay na naging takbo ng concert.

At bago pa man tuluyang inangkin ni Range ang intablado para sa tila uhaw na uhaw na fans, umalingaw-ngaw ang buong sports complex dahil sa pagdating ng batang aktor na anak ni Yorme Isko na si Joaquin Domagoso. Pinasigaw, pinakilig, at pinukaw ni JD ang madla na karamihan ay mga kabataan. At higit sa lahat, maayos niyang na-endorso ang kanyang ama, sa mga kabataan man o sa may edad na na nasa audience.

Ang Tinaguriang Guerilla Strategy ng VISA

Ang guerilla strategy ng VISA ay patunay na kayang-kaya nating gumawa ng inisyatiba upang mas mapalakas ang suporta at pagkakakilanlan ng ating kandidato. Ang grupo ay pinangungunahan ni Dr. Winley Sanchez Dela Fuente, sa pakikipagtulungan din ng iba pang tagasuporta gaya nila sir Abella, Jun Arigo, at iba pa.

Wala mang binayarang ads, dinumog pa rin ang concert at matagumpay pa rin na naipakilala at naibahagi ang mga plataporma o plano ni Yorme Isko Moreno Domagoso para sa bayan kung sakaling siya man ang palaring susunod na uupo sa Malacañang.

Follow JP Abecilla – The Millennial Writer on Facebook, Twitter, and Instagram for more updates.

JP Abecilla

JP Abecilla - The Millennial Writer is a Filipino influencer and award-winning blogger in the Philippines based in Cebu City, Cebu. JP blogs about writing, blogging, motivation, career, politics, and religion. He is a recipient of Best Cebu Events Blog of 2019 and Blog of the Year (2nd Place) in 2020 by Globe Telecom. More than being a writer, blogger, and influencer, JP loves coffee, books, and donuts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *